Biyernes, Enero 18, 2013
Take Off
There's always point in life na you want to start new. Gusto mo magsimula...gusto mo bago lahat. And right now that's what I feel to do. I want to start fresh.
By monday, I'll be leaving to abroad. Kung bakit actually maraming rason. Pero people just see lalo na yung mga tao sa paligid ko na kaya gusto ko pumuntang Singapore kasi I want to earn more than what I earned in the Philippines. Pero to be honest, it even not on my top 3 reasons why I decided to go abroad.
Siguro pamilyar kayo sa linya sa movie na "Anak" ni Vilma Santos yun sinabi niya..."Bakit kaya araw-araw ang daming taon na pumipila dito. Umulan umaraw ang dami pa rin umaasa makapag-abroad. Sa una...sa pangalawa...sa pangatlo, sigurado ako dahil sa pera. Pang apat...pang lima...pang-anim, pera pa rin kaya ang dahilan?"
Kung tutuusin hindi ko naman kailangan ng pera. Kaya ko naman na magkaroon ng high paying job sa Pilipinas kung gugustuhin ko. I can jump to one company to another kung ayaw ko na talaga. So kung hindi pera bakit nga ba ako mangingibang bansa?
Ewan ko. Sa haba ng pasakalye eh ewan ko pa rin ang sagot ko. Ang dami dami pumapasok sa utak ko kung bakit pinili ko iwan ang Pinas at pumunta sa ibang bansa. Pero hindi ko alam kung rason ko ba siya dahil yun talaga ang totoo o sadyang rason ko lang siya para i-justify ang isang pang rason. Ang gulo di ba? Pero kahit gaano man siya kagulo o kahit ano man ang sangkatutak na naglalarong dahilan sa utak ko... isa lang naman ang talaga ang gusto kung mangyari... gusto ko maging masaya.
Lahat naman tayo gusto maging masaya. Kahit iba iba man ang rason natin bakit natin ginagawa ang mga bagay bagay kahit minsan mali man yan o tama kasi sa tingin natin eh yun ang magpapasiya sa atin.
No job, no money and no sure future. Sasabihin nila na ang tanga ko naman kung bakit mas pinili kong bitawan lahat sa Pinas at makipagsapalaran abroad. At sigurado sasabihin nila na sira na yun tuktok ko kasi ginawa ko yun hindi dahil sa pera.
Ginawa ko yun dahil sa tingin ko magiging masaya ako. Alam ko mahirap maintindihan. Kahit ako mismo hindi ko rin maintindihan. Pero sa punto ngayon ng buhay ko naiisip ko lang na napakaigsi ng buhay para maexplore mo kung anumang mga bagay bagay na stored for you. Sabi nga nila, maraming pwedeng mangyari na nghihintay lang pagkakataon. Kaya gusto kung sumugal. Sabi nga nila na life is a gamble. Sugarol naman ako kaya susugal na rin ako. hehehehe. But kidding aside, no matter what the outcome of this new chapter in my life... isa lang dapat kung tandaan... NO REGRET!!!
Sa mga makakabasa nito: Thanks for reading and welcome to my world.... more stories to come.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento